BUTUAN CITY – Patuloy ang pagbibigay ng seguridad ng kapulisan sa Surigao Del Sur hanggang ngayong araw dahil sa huling araw na nagpadayong Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na sinimulan kahapon sa Bislig City.
Umabot sa kabuu-ang P600,000,000.00 na halaga ng mga serbisyo, mga programa at ayudang pinansyal ang ibibigay ng gobyerno sa mahigit 90,000 mga benepisyaryo.
Ayon kay PCol. Harry Dominggo, ang provincial director ng Agusan del Sur-Police Provincial Office, masmahigpit na siguridad ang kanilang ipinatupad lalo na’t umaabot 80 mga kongresista ang present sa nasabing caravan kasama si House Speaker Martin Romualdez.
Ayon sa opisyal, walang naging problema sa nturang Serbiyso Fair, maliban lamang sa mabigat na takbo ng trapiko sa Brgy. Mangagoy dahil sa sobrang dami ng mga taong nagnanais na makakakuha ng iba’t ibang uri ng ayuda.