-- Advertisements --

Nagdesisyon ang kilalang appliance store sa bansa na Automatic Center na magsara na rin dahil sa hamon na dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa pangulo ng kompaniya na si Geoffrey Lim magiging maganda ang transition nila bago ang pagsasara.

Pinasalamatan nito ang kanilang customers sa loob ng 70 taon na pananatili sa industrya.

Itinaguyod noong 1948 ay naging bahagi na ito sa mga malls sa Metro Manila nagbibigay ng magandang serbisyo sa kanilang mga customers.

Magugunitand dahil sa ipinatupad na quarantine restrictions ay maraming mga malls ang nagsara at lumipat na ang karamihang negosyo sa mga pagbebenta online.