BAGUIO CITY – Naghahanda na para sa ikatlong “Take You Home” virtual concert sa Oktubre ang British-Norwegian boyband na A1 na handog para sa kanilang mga fans, partikular na para sa mga Pinoy.
Naganap nga ang kanilang unang online show noong Abril, kung saan itinanghal nila ang kanilang mga sikat na kanta tulad ng “Same Old Brand New You”, “Caught in the Middle” at “One More Try”.
Samantala, nakasama rin naman nila sa isang trending virtual performance ng “Like a Rose” ang Asia’s Phoenix na si Morisette.
Nasundan pa ito ng isa muling matagumpay na virtual show noong Agosto kung saan nakasama pa nila ang kanilang mga fans.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa Norwegian singer-songerwriter na si Christian Ingebrigtsen ng sikat na 90s boyband, ibinahagi nitong dahil marami sa kanilang mga live shows ang naantala dahil sa pandemya, kabilang na ang dapat sana nilang muling pagbisita sa Asya, ay nais pa rin nilang maghandog ng virtual performances para sa kanilang mga fans.
“We actually have plans to go to the Philippines and to Asia. We had plans to go in this year, but we had to postpone it. So we thought, why not invite our fans to hang out with us? It became such a fun event for us as well. You know, we have to talk about the old times and show personal photographs from back then. We invited some random people to come up on the screen with us and ask questions. We had Q and A’s.”
Inamin rin naman ng British singer-songwriter na si Mark Read na masaya sila sa naging reaksyon ng mga fans sa kanilang online shows.
“It was a great success and people loved it. We made it a very intimate event. We spoke so much about our songwriting, you know, working together, growing up together, and the best thing about it is we could get the fans on. It’s done through Zoom.”
Matatandaang huling bumisita sa bansa ang grupo noong Nobyembre ng nakaraang taon para sa Playback Festival sa Mall of Asia Arena, at nakasama pa nila ang American boyband na O-Town.
Nangako naman ang mga ito na babalik sila sa bansa pagkatapos ng pandemya.
“As soon as this is all over, we will be announcing you dates. We will be touring again both with our old hits and with some new material. That’s very exciting,” dagdag ni Christian.
Nagpasalamat naman si Mark sa mga patuloy na sumusuporta sa kanila sa loob ng mahigit dalawang dekada, at looking forward ito na patuloy na makapagbigay inspirasyon sa marami.
“Thank you so much for the incredible support over the years. You have no idea how much it means to us. I hope that we continue to inspire you the way that you inspire us. That’s all I can really ask for and we can’t wait to see you all again soon.”
Magaganap ang ikatlong virtual concert ng A1 sa October 2, kung saan makakasama rin ni Mark at Christian ang dalawa pang miyembro ng banda na si Ben Adams at Paul Marazzi.