-- Advertisements --
Pumanaw na ang kilalang chef na si Michel Roux sa edad 79.
Ayon sa mga kaanak nito, nalagutan ng hininga ang French-born chef at restaurateur sa bahay nila sa Bray, Berkshire.
Sumikat si Roux at kapatid nitong si Albert ng pumatok ang kanilang restaurant sa London na La Gavroche na siyang naging unang three Michelin-starred restaurant sa Britain noong 1982.
Labis naman ang kalungkutan ng mga kaanak nito dahil sa taglay nitong kabaitan.
Nagbigay naman ng pagpupugay ang kapwa nitong mga chef sa pamamagitan ng social media.
Isa rito si TV chef James Martin kung saan ibinahagi pa ang larawan na kasama si Roux.