-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang choreographer ng India na si Saroj Khan sa edad 71.

Ayon sa kampo nito, inatake siya sa puso at hindi na umabot ng buhay sa pagamutan.

Umabot ng apat na dekada ang kaniyang career at tinuruan ang maraming sikat na Bollywood artist.

Nagsimula ang kaniyang career noong 1980 kung saan ilan sa mga naunang tinuruan niya mga Bollywood stars na sina Madhuri Dixit at Sridevi.

Naging child actress siya noong dekada ’50 sa India bago pinasok ang pagiging back up dancer.

Nagpaabot naman ng pagkalungkot at pakikiramay ang ilang mga sikat ng Bollyood.