Pumanaw na ang sikat na songwriter na si Jim Steinman sa edad 73.
Hindi naman binanggit ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan niya matapos na itakbo ito sa pagamutan mula sa kaniyang bahay sa Connecticut.
Nakilala si Steinman sa paggawa ng mga kanta nina Mealoaf, Celine Dion, Bonnie Tyler at maraming iba pa.
Siya ang nasa likod ng hit song ni Meatloaf na “I’d Do Anything For Love” at ang sikat na kanta ni Bonnie Tyler na “Total Eclipse of the Heart”.
Sinulat at kinompose din nito ang kanta ng Air Supply na “Making Love Out of Nothing at All”.
Siya rin ang nasa likod ng sikat na kanta ni Celine Dion na “It’s All Coming Back To Me Now” na unang kinanta ng Pandora’s Box.
Nakatrabaho rin nito sina Barbara Streisand, Billy Squier, The Sisters of Mercy at Def Leppard.
Sa loob ng tatlong linggo noong 1983 ay siya ang nasa likod ng number 1 at number 2 na kanta sa Billboard ito ang “Total Eclipse” na nasa unang puwesto habang nasa pangalawa ang “Making Love”.