-- Advertisements --

Patay ang sikat na piloto ng Ukraine matapos na bumagsak ang minamaneho nitong eroplano.

Ang F-16 fighter jets na galing sa US ay minamaneho ni Oleksiy Mes ng ito ay pabagsakin ng Russia.

Sa unang ulat ay nagkaroon umano ng pilot error.

Hindi naman naniniwala ang Ukrainian Defense Forces na ito ay pilot error at malaki ang paniniwala na pinabagsak ito ng mga Russian military.

Itinuturing ng Ukraine Military na si Mes ang pinakamagaling na piloto ng mga fighter jets dahil maraming mga giyera na ang dinaanan nito.