-- Advertisements --
Gianluca Vialli
Gianluca Vialli/ Twitter Image

Gumaling na mula sa pancreatic cancer si dating Italian football star Gianluca Vialli.

Ayon sa 55-anyos na si Vialli, natapos na niya ang 17 buwan na chemotherapy.

Kuwento pa nito na naging mahirap para sa kaniya ang pinagdaanan physically at mentally.

Itinuturing na isang agresibong uri ng sakit ang pancreatic cancer na mayroong 5% lamang na survival rate.

Naglaro sa Sampdoria, Juventus at Chelsea si Vialli bago naging manager ng Blues noong 1998.