-- Advertisements --
José José
José José/ IG post

Pumanaw na ang sikat na Mexican singer na si José José sa edad 71.

Nalagutan ito ng hininga habang naka-confine sa isang pagamutan sa South Florida dahil sa pancreatic cancer.

Ang ballader, songwriter at occasional actor na sa tunay na buhay ay José Romulo Sosa Ortiz, ay sumikat noong 1970.

Tinagurian siyang “Prince of Song” at kinilala ng Latin Recording Academy na may Musical Excellence Prize sa 2004 Latin Grammy awards sa taong din yun ay ginawaran ito ng star sa Hollywood Walk of Fame.

Isa sa pinakasikat na kanta nito ay ang “El Tristre” noong 1970 habang ang pumatok na album nito ay ang “Secrets” na inilabas noong 1983.

Agad na nagpaabot ng pakikiramay ang mga fans nito sa pamumuno ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador.