-- Advertisements --

Pumanaw na ang Mexican singer na si Vicente Fernandez sa edad 81.

Ayon sa kaanak nito na dinala pa ang singer sa isang pagamutan sa Guadalajara, Mexico dahil sa kahinaan ng kaniyang katawan.

Noong Agosto ay humina na ang kaniyang kalusugan kaya ito sumailalim sa operasyon subalit hindi na nagbigay pa ang karagdagang detalye ang mga kaanak nito.

Kilala siya sa tawag na El Rey ang hari ng Mexican music.

Nakagawa ito ng mahigit 300 na kanta at nakapagbenta ng 65 milyon albums sa buong mundo.

Nagwagi rin ito ng tatlong Grammys at walang Latin Grammys.

Ginawan rin ito ng Hollywood Walk of Fame at Person of the Year ng Latin Recording Academy noong 2002.