-- Advertisements --
Patay ang sikat na motorsport rider matapos na ito ay maaksidente sa isang karera sa Colorado.
Malapit na sana sa finish line ang four-time Pikes Peak International Hill Climb winner Carlin Dunne ng bumangga ang kaniyang 2019 Ducati
Streetfighter V4 Prototype bike.
Kinumpirma mismo ng race organizer ang kamatayan ni Dunne.
Taon 2011, 2012, 2013 at 2018 ng makuha nito ang korona sa nasabing karera.
Maraming kapwa niya riders ang nagpaabot ng pakikiramay ng mabalitaan ang insidente.