-- Advertisements --
Toni Morrison
Toni Morrison

Pumanaw na ang Nobel Prize-winning US author Toni Morrison sa edad 88.

Ito ang kinumpirma ng kaanak ni Morrison matapos na dumanas ng sakit sa Montefiore Medical Center sa New York City.

Mayroong kabuuang 11 nobela ang kaniyang naisulat na unang pumatok ang sinulat nitong “The Bluest Eye” noong 1970.

Nanalo itong Nobel Prize for Literature noong 1993.

Isinapelikula naman ang kaniyang sinulat na “Beloved” patungkol sa pagtakas ng female slave na pinagbidahan ni Oprah Winfrey noong 1998.

Taong 2012 ng ginawaran ni President Barack Obama si Morrison ng Presidential Medal of Freedom.

Siya rin ang naging kauna-unahang African-American editor sa Random House mula 1967 hanggang 1983.