-- Advertisements --

Tuluyan ng namaalam ang sikat na pangalan sa kasaysayan ng entertainment ang 20th Century Fox.

Ayon sa Disney entertainment, nagkaroon ng rebranding ng kanilang TV studios, 20th Century Fox Television at tinawag na ito ngayon bilang 20th Television.

Ang nasabing pangalan ay mula sa pinagsamang “Century” at “Fox” ang pangalan ng studio.

Magiging epekto ito sa buwan ng Enero.

Ang nasabing hakbang ipinatupad matapos ang mabili ng Disney ang kumpanya sa halagang $71 billion.

Itinaguyod ang 20th Century Fox noong 1935 sa pinagsama sa pagitan ng Twentieth Century Pictures at Fox Films.

Ginawa ng nasabing film studio ang ilang mga sikat na pelikula gaya ng “Star Wars” , “The Sound of Music”, “Die Hard” at “Home Alone”.