Pumanaw na ang Russian ballet star na si Vladimir Shklyarov sa edad na 39.
Ayon as St. Petersburg company, nahulog umano ito sa mula sa ikalimang palapag ng St. Petersburg building habang ito ay nakainom ng painkiller.
Dahil dito ay naglunsad ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa pagkasawi ng sikat na ballet dancer.
Ikinasal ito kay sa kapwa ballet dancer na si Maria Shklyarov kung saan nabiyayaan sila ng dalawang anak.
Isinilang sa Leningrad at nag-aral at sumikat sa Vaganova Academy of Russian Ballet kung saan nagtapos ito noong 2003.
Nagtanghal na rin ito sa iba’t-ibang mga bansa gaya sa Metropolitan Opera sa New York at sa Royal Opera House sa London.
Nakatanggap na rin ito ng pagkilalal gaya sa LĂ©onide Massine International Prize noong 2008.