-- Advertisements --
Sant Sebastià beach
Sant Sebastià beach

Nabulabog ang mga turistang naliligo sa sikat na San Sebastia beach sa Barcelona matapos na matagpuan ang isang bomba.

Agad na nagresponde ang mga explosive experts at matagumpay na naalis ang bomba.

Ang nasabing bomba ay isang vintage bomb mula sa 1936-39 Spanish Civil War na may laman ng hanggang 70 kg. na TNT.

Nakita ng mga otoridad ang bomba sa may layong 25 meters mula sa dalampasigan.

Dahil sa pangyayari ay pansamantalang isinara ang nasabing sikat na beach.