-- Advertisements --
Pumanaw na ang kilalang singer ng Domincan Republic na si Juan de Dios Ventura Soriano sa edad 81.
Ayon sa anak nitong si Jandy Ventura, inatake sa puso ang ama habang nasa Medical Union Clinic sa Santiago, Dominican Republic.
Tinatawag siya bilang “Caballo Mayor” na siyang sikat na singer sa kanilang bansa.
Dahil sa pagpanaw nito ay nagdeklara ang kanilang gobyerno ng tatlong araw na pagluluksa.
Bukod sa pagkanta ay pinasok din nito ang pulitika kung saan sa loob ng 50 taon ay naging deputy at Mayor sa kanilang lugar.