-- Advertisements --
Chanchal Lahiri
Chanchal Lahiri

Pinangangambahang tuluyan ng nalunod ang isang Indian stuntman matapos ang pagtatangka nitong makawala sa pagkakatali habang ito ay nakalubog sa ilog.

Nakakadena ang mga paa at kamay ni Chanchal Lahiri ng ito ay ibinaba sa Howrah Bridge sa Kolkata.

Inaasahan na ito ay agad na makakawala matapos ang ilang minuto gaya ng kaniyang ginagawa dati.

Naghintay ang maraming tao ng halos 30 minuto subalit hindi pa ito lumutan.

Mabilis na rumesponde ang mga rescuers at hinanap ang 40-anyos na stuntman.

Kilala ito bilang si “Jadugar Mandrake” o “Wizard Mandrake” at “Mandrake the Magician”.

Mula pa noong 1998 ay ginagawan na niya ang nasabing stunts at malaki ang paniwala ng marami maaaring naubus na ang suwerte nito kaya hindi na siya nakalutang pa.