-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 ang top-ranked sumo wrestler ng Japan na si Hakuho.
Ayon sa Japan Sumo Association (JSA) sumailalim ang Mongolian-born wrestler sa COVID-19 test matapos na mawalan ito ng pang-amoy.
Nagpapatuloy pa kasi ang aktibidad sa Japan gaya ng sumo-wrestling kahit na mayroong pandemiya.
Noong nakaraang Mayo rin ay pumanaw ang 28-anyos na Japanese sumo wrestler dahil sa organ failure bunsod ng virus.
Magugunitang ikinokonsidera ng Japan na magpatupad ng state of emergency sa Tokyo dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.