-- Advertisements --
Isinara ng Peru ang kanilang sikat na tourist site na Machu Picchu dahil sa patuloy na kilos protesta.
Ayon sa gobyerno ng Peru na isinara nila ang site maging ang Inca trail hike na patungo sa lugar para maprotektahan ang mga tao at turista.
Dahil sa insidente ay maraming tao ang na-stranded sa lugar na hindi na sila nakalabas ng ilang oras.
Magugunitang humihiling ng panibagong halalan ang mga protesters at ipinapanawagan sa bagong pangulo na si Dina Boluarte na bumaba sa puwesto.
Gumamit na ng tear gas ang mga kapulisan para itaboy ang mga protesters na nangharang ng mga kalsada at nagparalisa ng mga sasakyan sa Lima.