-- Advertisements --
Isasapelikula ang sikat na video game na The Legend of Zelda.
Magiging director ng pelikula si Wes Ball na siyang nasa likod ng pelikulang “Waze Runner”.
Kabilang naman sa producer na napili ay ang kilalang video game designer na si Shigeru Miyamoto at Avi Arad na siyang nasa likod ng Spider-Man trilogy.
Hindi naman binabanggit kung sino ang napiling bibida sa nasabing pelikula.
Sinabi ni Miyamoto na makailang beses na silang nagpulong ni Arad ukol sa nasabing planong paggawa ng pelikula.