LEGAZPI CITY – Ibinahagi ng Department of Education (DepEd) Bicol ang susi ng pag-angat nila sa ranking para sa pagpapatuloy ng Palarong Pambansa 2019 sa Davao City.
Pagbubunyag ni DepEd Bicol Director Gilbert Sadsad sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nakatatak na umano sa puso’t isipan ng mga atleta ang inspirasyon upang maibigay ang “best play”.
Ipinapaalala rin aniya ito sa araw-araw lalo na kung nagbabatian ng “Gold morning” at “Gold afternoon”.
Nagbibigay pa ng high-morale sa mga delegado na manguna ang cash incentives na P20, 000 para sa gold medalist at may dagdag na P5, 000 pa sa mga makakabasag ng record.
Samantala sa mga nakalinyang laro ngayong araw, inaasahang muling makakasungkit ng mga gintong medalya ang Bicol vulcans.
Malaki naman ang pasasalamat ng opisyal sa mga stakeholders na tumulong sa paglalaan ng pondo para sa national sporting event.