-- Advertisements --
Isang hindi kilalang North Korean dissident group naman ang umako ng responsibilidad sa naganap na raid sa Pyongyang embassy sa Madrid noong nakaraang buwan.
Ngunit wala raw katotohanan na isa itong pag-atake.
Ikinaila rin ng mga ito na may kasabwat silang foreign governments o di-kaya’y konektado ito sa pagkabigo ng summit sa pagitan nina US President Donald Trump at Kim Jong Un na ginanap si Hanoi.
Paglilinaw din ng grupo na inimbitahan sila sa nasabing embassy, walang nasaktan o nasugatan man lang, at wala ring ginamit na kahit anong baril.
Ang Cheollima Civil Defense ay isang sikretong organisasyon na naglalayong patalsikin si North Korean Leader Kim Jong Un mula sa kanyang pwesto bilang chairman.