Kumpiyansa ang Department of Justice na matutugunan ang “humanitarian problem” ng overcrowding bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028.
Ito ang naging pahayag ni DOJ spokesperson Mico Clavano sa isinagawang press briefing sa Malacanang.
Ayon sa opisyal, magiging posible ito sa tulong narin ng plano ng Bureau of Corrections na magtayo ng hindi bababa sa 6 na regional jails sa buong bansa.
Aniya, ang BuCor ay humingi ng additional na budget upang maisakatuparan ang proyekto.
Batay sa pagtataya, ang kabuuan proyektong ay maaaring kumunsumo ng humigit-kumulang ₱2 bilyon.
Sa oras rin na matapos ang mga kulungan sa rehiyon sa bansa, maaari ng lisanin ng BuCor ang New Bilibid Prison.
Una ng sinabi ng BuCor na plano nilang gawing national government center at iba pang pasilidad ng gobyerno ang NBP.