-- Advertisements --
Maiibsan na ang problema sa pagsisiksikan ng mga turista sa pantalan ng Coron sa Palawan tuwing peak season.
Ito ay matapos na mabuksan na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang bagong port operations building (POB) sa pantalan ng Coron.
Dahil dito ay nadoble ang mga pasaherong kayang ma-accomodate ng mga pantalan.
Mula kasi sa dating 250 ay ginawa na lamang ito ngayon sa 500 bukod pa sa paglalagay nila ng prayer room, charging stations at all-gender restrooms.
Umabot aniya sa P267 milyon ang halaga ng pasilidad na makikita sa 5,000 square meter na pantalan.