Ibinunyag ni Department of Interior ang Local Government(DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. na nahaharap ito at ilang PNP officials ng patong-patong na asunto, kasunod na rin ng pagtatangka ng mga awtoridad na isilbi ang arrest warrant ni Apollo Quiboloy.
Kabilang sa mga ipinakita ng kalihim na kasong inihain ng KOJC ay ang grave threat, malicious mischief, ilang mga administrative complaint tulad ng grave misconduct, grave abuse of authority, at conduct unbecoming of a public officer.
Ang ilan sa mga ito ay inihain ng kampo ni dating PRRD bilang administrator ng KOJC properties, at pawang inihain sa lungsod ng Davao.
Sa ilang mga kaso, kasama ng kalihim sina PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, dating PNP Region 11 RD PBGen Aligre Martinez, PMGen Ronald Lee, PMGen Mark Pespes, etc.
Ayon kay Abalos ang mga ito ay sunod-sunod na inihain sa kanila ng kampo ng KOJC dahil na rin aniya sa pagnanais ng pamahalaan na maiharap sa batas si Apollo Quiboloy na matagal ding nagtago.