-- Advertisements --

VIGAN CITY – Nasira ang isang silid aralan sa Brgy. Nagpanaoan, Santa ng madaanan ng ipoipo sa kasagsagan ng malakas na ulan at hangin dulot ng Bagyo Florita kagabi.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Brgy. Captain Jayson Billones, mabilis ang mga pangyayari ng tumama ang ipo-ipo sa mga kaniyang nasasakopan at agad na isinalba ang mga kagamitan ng mga guro at estudyante na naiwan sa loob ng classroom.

Aniya, inilipad ng ipoipo ang mga bubong, kubo at natumba ang mga punong kahoy malapit sa eskwelahan kung saan walang naiulat na nasaktan o nasugatan kagabi.

Agad naman na tumugon ang Santa Local Government Unit sa nasabing pangyayari sa pangunguna ni Mayor Jesus “Popoy” Bueno Jr.

Sa mantala nanantiling suspendido ang trabaho sa mga government office at pasok sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng level sa lalawigan ngayong araw sa ipinalabas na Executive Order No. 19 ni Governor Jerry Singson.