BUTUAN CITY – Emosyunal pa ring nagpapasalamat ang live-in partner ni Carlo Paalam na si Stephanie Sepulveda sa silver medal finish ng kanyang kasintahan kahapon sa Tokyo Olympics matapos talunin ng British boxer na si Galal Jafai.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Stephanie na masaya pa rin sila dahil ang pag-qualify pa lang ni Carlo sa Tokyo Olympics ay malaking dangal na para sa kanila at sa Pilipinas.
Ito’y lalo na’t gianwa ng Pinoy pride ang lahat para sa nasabing away sabay pahayag na handa pa rin nila itong susuportahan sakaling nanaisin pang maglaro sa Olympics.
Pagtatapos pa ni Stephanie, wala pa silang planong magpapakasal kahit makakatanggap ng ilang milyong piso ang Pinoy boxer.
Nagpasalamat pa rin ito sa lahat ng mga sumuporta at nananalangin para sa Olympic journey ng kanyang kasintahan mula sa simula hanggang sa gold medal fight kanina.