-- Advertisements --
dancesport
Dance Sport

BACOLOD CITY — Ipinagmamalaki ng isang ina sa lungsod ng Bacolod na nakapag-ambag ang kanyang anak sa mga medalya na nakuha ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 2019 Southeast Asian Games.

Si Debbie Mahinayang Purok Mahimayaon, Zone 2, Brgy. Bata, Bacolod City ay nakakuha ng silver medal sa Breaking B-Girls Category ng danceport kasabay ng kompetisyon na ginanap sa Royce Hotel sa Clark, Pampanga kahapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod sa ina ni Mahinay na si Heide, labis ang saya nito nang malaman na nakuha ng kanyang anak ang silver medal.

Aniya, sunod sa kanya ang talento ng kanyang 30-anyos na anak dahil magaling din itong sumayaw.

Samantala, aminado naman ang kapatid ni Debbie na si Donna na hindi sana ito natuloy sa pagsali sa kompetisyon ngunit naayos din ang ilang problema ilang araw bago ang SEA Games.

Sa ngayon, excited na ang mga ito sa pag-uwi ni Debbie sa lungsod para sa selebrasyon.

Si Mahinay ang nagtuturo sa mga aspiring breakdancers sa Bacolod matapos tumigil sa pagtuturo sa MAPEH.