-- Advertisements --

NAGA CITY – Natanggap na ni Silver Olympic Medalist Carlo Paalam ang pangarap nitong bigbike mula sa Motortrade Yamaha Rev Zone Naga.

Kung maaalala, isa ang nasabing bigbike sa mga listahan ng incentives na ipinangakong makukuha ng nasabing boksingero.

Bandang, alas-7 ng gabi nitong Setyembre 14, 2021 ng dumating sa lungsod ng Naga si Paalam at dito opisyal na ring itinurn over ng Kompanya ang nasabing motorbike sa nasabing Olympic Medalist.

Matatandaan, na naipost na rin ito dati ng atleta sa kanyang social media account na isa sa mga pangarap nito ang magkaroon ng bigbike.

Nagpaabot rin ng pasasalamat ang alkalde ng lungsod maging ang mga opisyal ng nasabing kompanya sa boksingero dahil sa tagumpay at karangalan na dinala nito sa Pilipinas.

Samantala, malugod at masaya namang tinanggap ng boksingero ang nasabing bigbike na isa sa matagal na nitong pinapangarap na maabot.