Aprubado na sa Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na SIM Card Registration Act.
Nakasaad sa nasabing Senate Bill 2395 na nag-aatas sa lahat ng mga telecommunications company na999 dapat lahat ng kanilang subscribers ay mag-fill out ng registration form at dapat magpakita ang mga ito ng valid identification card bago makabili ng SIM Card.
Sa huling plenary session ng mga senador nakakuha ito ng 22-0-0 votes i8ang panukalang batas para ito ay maaprubahan.
Layon ng nasabing panukalang batas na matigil ang mga nagaganap na krimen gamit ang mga telepono, internet at ilang mga electronic communication devices.
Kabilang na dito ang terorismo, text scams, unsolicited indecent o obscene messages, bank fraud, trolling, hate speech at pagpapakalat ng fake news.