Muling isinusulong ngayon sa 19th Congress ni Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez ang panukalang batas ang pag -require sa pag-rehistro ng lahat na mga postpaid at prepaid mobile phone subscriber identity module (SIM) card.
Ang mga SIM card ng postpaid mobile o mga cellular phone subscription lamang sa kasalukuyan ang kinakailangang irehistro sa mga mobile companies.
Layunin ng panukalang batas ni Romualdez na mahinto kung hindi man tuluyang masawata ang mga criminal activities sa pamamagitan ng paggamit ng mobile phones.
Tatlong pang mga mambabatas na sina Rep Ferdinand Alexander Marcos ng Ilocos Norte at sina Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre ng Tingog party-list group ang nag-coauthor sa nabanggit na panukala, ang HB No. 14.
Ipinaliwanag sa explanatory note na mura lamang at madaling magkamit ng SIM card ang isang may kailangan nito na walang rehistro at ito ay makamtan sa halagang tatlumpong piso lamang kahit sa sari-sari store kaya’t ito ay madaling maidespatsa anumang oras ito ay hindi na kailangan ng gumagamit.
Ayon kay Romualdez, ang Public Telecommunications Entity (PTE) ay kailangang mag maintain ng registry para sa lahat ng subscribers at ang mga SIM cards na kanilang ginagamit at magsusumite din sila National Telecommunications Commission ng listahan ng mga authorized sellers or agents.
Sinabi ng mambabatas sa nasabing panukalang batas ang mga lalabag ay mananagot sa batas at may multa na hanggang P300,000 para sa first offense hanggang P500,000 para sa second offense at hanggang P1 million para sa ikatlong offense.