-- Advertisements --
Patuloy ang pagsusulong ng mga mambabatas sa mandatory registration ng mga prepaid SIM cards.
Kasunod ito sa laganap pa rin ang panloloko kabilang ang mga fake bookings sa mga food delivery services.
Layon ng House Bill No. 5793 or the Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act at Senate Bill No. 176 or the proposed SIM Card Registration Act na matigil na ang nabanggit na mga panloloko.
Isa sa requirements na hinahanap sa mga gagamit ay dapat na magpakita ng mga valid ID at larawan bago mabigyan ng SIM Card.