Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang hakbang na nagmamandato sa mga telcos para irehistro ang SIM cards sa isang centralized database.
Binigyang diin ng pulisya ang benepisyo nito sa kampaniya ng PNP laban sa krimen.
Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, ang panukalang SIM Registration Act ay makakatulong para mapigilan ang krimen dahil maaari itong maging kasangkapan ng law enforcers para matrack ang mga kriminal.
Aniya, mabilis na nakakapagpalit ng prepaid SIM cards ang mga criminal na kanilang ginagamit para sa komunikasyon at transaksyon ng hindi natutukoy.
Kung kaya’t sa pamamagitan ng proposed law, sinabi ni Carlos na direktang maa-access ng PNP ang mahahalagang impormasyon ng mga criminals at makakatulong din para mapigilan ang mga krimen na maaaring mangyari sa hinaharap.
Humingi naman ang PNP chief ng kooperasyon mula sa publiko bilang ito ay karagdagang security laban sa mga magtatangkang gumawa ng krimen laban sa isang indibidwal.
Wala din aniyang nakikitang breach o paglabag sa privacy of information ang PNP dahil nakagawian na rin aniya ang pangongolekta ng impormasyon para sa postpaid application.