DAVAO CITY – Isina-ilalim sa lockdown ang isa sa pinaka-malaking simbahang katoliko dito sa lungsod ng Davao matapos magtala ng tatlong covid positive cases sa kanilang mga personahe.
Sa inilabas na anunsiyo ng St. Francis de Asisi Parish na matatapuan sa Maa, Davao City, ipinatupad ng simbahan ang lockdown batay na rin sa rekomendasyon ng Davao City Health Office upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Simula Enero 3, 2020 sinuspende ng simbahan ang lahat ng mga operasyon nito kasali na ang lahat ng mga Liturgical celebrations.
Hindi pa matukoy ng simbahan kung kailan sila muling magbubukas o hanggang kailan magtatagal ang lockdown.
Na-una nang nakatanggap ng impormasyon ang Bombo Radyo na iilang mga personahe ng tatlong iba pang malaking catholic church ng lungsod ang naka-confine na ngayon sa isang pribadong ospital matapos mag-positibo sa covid 19.