VIGAN CITY – Papangunahan ni Papal Nuncio Archibishop Charles Brown ang gagawing misa kasunod ng pagiging basilica ng Shrine of Sto. Cristo Milagroso sa bayan ng Sinait, Ilocos Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Fr. Jerry Avisa, Parish Priest ng St. Nicolas Parish, kasabay ng kapistahan ni Apo Lakay inanunsyo ni Nueva Segovia Archbishop Marlo M. Peral na aprobadona ng Santo Papa ang pagiging Basilica ng nasabing simbahan.
Aniya, ang kaunaunahang basilica sa Ilocos Sur ay magiging Minor Basilica of St. Nicholas de Tolentino Shrine of Sto. Cristo Milagroso.
Umaasa si Avisa nasa pamamagitan ng pagiging basilica ng simbahan ay matatapos na ang pandemya kagaya ng ginawa noon na prinosisyon ang imahe ni Apo Lakay sa Vigan at nawala ang sakit na cholera.