-- Advertisements --
(Update) CENTRAL MINDANAO – Nadiskubre na may mga tama ng bala ang simbahan ng Sta Terersita sa Datu Piang, Maguindanao.
Ito ang kinumpirma ni Father Denz Evardone Basada, OMI.
Aniya, tumama ang mga bala sa mga bintanang salamin at rebulto ni Saint Therese of the Child Jesus.
Sinasabing nilapastangan din daw ng tinatayang 50 mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang simbahan nang paputukan nila ito kasabay nang pagsalakay sa bayan ng Datu Piang noong nakaraang linggo.
Nagpasalamat na lamang si Fr Basada dahil walang tinamaan na mga tao at ligtas sila sa loob ng simbahan.
Kasabay nito, nanawagan na lamang ang kura-paroko ng St Therese Parish Church sa lahat na magdasal at magkaisa para sa kapayapaan.