LEGAZPI CITY – Ipinagpapasalamat ng Simbahang Katolika sa Albay ang pagbaba ng direktiba ng provincial government sa pagpapahintulot sa religious activities.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Social Action Center Legazpi Director Fr. Rex Arjona, susundin pa rin ang mga protocols ng pamahalaan habang gradual o paunti-unti umano ang pagbabalik ng mga aktibidad ng simbahan.
Hangad naman nito ang responsableng aksyon ng mga magsisimba sa mga kautusan kasabay ng asegurasyon na ipapatupad ang social distancing, pagsusuot ng face mask at disinfection protocols.
Hinihintay na rin aniya ang ibababang guidelines ng simbahan hinggil sa iba pang ipapatupad na protocols sa simbahan.
Samantala nakahanda naman ito at nagpadala na ng kopya saInter-Agency Task Force sa rehiyon para sa mga karagdagang abiso.