CENTRAL MINDANAO-Tinupok ng apoy ang simbahan ng Senior San Juan Nepomuceno sa Barangay Pangao-an Magpet Cotabato.
Kahit naabo ang simbahan natuloy parin ang patronal fiesta at naglagay na lamang ng imahe ng patron sa lilim ng malaking puno malapit sa simbahang nasunog.
Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP Magpet) Senior Fire officer 2 Rey Louie Lebrillo na posibleng electrical short circuit ang naging sanhi nang sunog.
Umaabot rin sa kalahating milyong peso ang iniwang pinsala sa nasunog na simbahan.
Bago ang sunog may nag-ensayo umano na mga miyembro ng simbahan bago ito nasunog para sa kanilang ika-57 na taon na patronal fiesta.
Kinumpirma ni Lebrillo, 60 porsyento ng simbahan ay gawa sa kahoy (light materials) at may kalumaan na din.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon ng BFP Magpet sa simbahan na tinupok ng apoy.