-- Advertisements --

Magbibigay ang parokya sa Samar ng P10,000 na pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng kampana na ninakaw umano noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Lannie sa Holy Child Iglesia Filipina Independiente sa Marabut, Samar.

Ayon kay Fr. Jurene Dajotoy ang visiting priest ng Parish of the Holy Child Iglesia Filipina Independiente, maaaring sinamantala ng mga kawatan ang malakas na pag-ulan.

Sinasabing mas matanda pa sa kanilang simbahan ang kampana dahil sa may nakaukit dito na petsang taong 1895.

Nanawagan na lamang ang nabanggit na pari na kung maaari ay maibalik na agad ang nasabing kampana.