Binuksan ang kauna-unahang open door wrestling sa St. Peter’s Anglican Church England, United Kingdom. Ang ideya ay mula sa nag-ngangalang Gareth Thompson.
Paniwala niya na ang mga ginagawa sa wrestling ay may kaugnayan umano sa mga kwento ng Biblia, tulad aniya nang naging labanan ni David at Goliath.
‘When I became Christian, I started seeing the wrestling world through a Christian lens. I started seeing David and Goliath. I started seeing Cain and Abel. I started seeing Esau having his heritage stolen from him. And I’m like, ‘We could tell these stories,’ wika ni Thompson.
Ginawa ang naturang wrestling sa loob ng simbahan para matugunan ang bumababang bilang ng mga british na hindi na nag-sisimba na mas lumaki pa ng 37% matapos lamang ang isang dekada.
Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga hindi na sumasamba sa simbahan, ang wrestling event sa St. Peter’s ay nagdulot naman ng bagong buhay at interes sa simbahan, kung saan umaakit ito ng iba’t-ibang tao mula sa mga pamilya hanggang sa mga fan ng wrestling.
Ginagawa ang wrestling matapos ng maikling sermon at dasal, na nagiging pagkakataon naman para simulan ang naturang event sa loob ng simbahan.