-- Advertisements --

Naglabas ng kalatas ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para manawagan ng pagkakaisa sa harap ng sunod-sunod na suliranin ng bansa.

Kabilang na rito ang sunod-sunod na kalamidad at bangayan ng mga pinuno ng bansa.

Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, marami nang naghihirap dahil sa mga bagyo, subalit pinalalala pa ang sitwasyon ng mga bagyong pampulitika.

Kaya hangad ng cardinal na maiwasan ang pagkakabaha-bahagi ng bansa mula sa magkakaibang paniniwalang pampulitika.

Hinimok din nito ang mga mananampalataya na manalangin para sa kaayusan ng ating bansa.

“It is our prayer that they may have the humility to listen to each other with respect and act together for the sake of the country. I also ask all the leaders of goodwill from different sectors of our society to do what they can to prevent the escalation of political and personal conflicts,” wika ng cardinal.