-- Advertisements --

Naglabas ng kalatas ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para manawagan ng pagkakaisa sa harap ng sunod-sunod na suliranin ng bansa.

Kabilang na rito ang sunod-sunod na kalamidad at bangayan ng mga pinuno ng bansa.

Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, marami nang naghihirap dahil sa mga bagyo, subalit pinalalala pa ang sitwasyon ng mga bagyong pampulitika.

Kaya hangad ng cardinal na maiwasan ang pagkakabaha-bahagi ng bansa mula sa magkakaibang paniniwalang pampulitika.

Hinimok din nito ang mga mananampalataya na manalangin para sa kaayusan ng ating bansa.