-- Advertisements --

Hinihintay pa ng Simbahang Katolika ang desisyon ng gobyerno sa pagdaraos ng misa.

Ayon kay Manila Archdiocese Apostolic Administrator Bishop Pabillo, ipinarating na nila ang kanilang hinaing at umaasang mapakinggan ang kanilang kahilingan na magpatuloy na ng misa.

Ilan sa mga apela nila ay mabigyan ng distansya ng isang metro ang bawat dadalo sa misa.

Magugunitang naglabas ng kautusan ang Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease na maaaring magdaos ng misa bast hanggang 10 katao lamang ang dadalo.