-- Advertisements --
image 421

Umapela si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa simbahang katolika sa ilalim ng Archdiocese of Manila na limitahan ang bilang ng isinasagawang virtual masses sa halip ay hinihimok ang mga ito na palakasin ang kampaniya para sa pagtataguyod na ibalik ang pagdalo ng misa ng face to face.

Sa inilabas na dalawang pahinang cicular, binigyang diin ni Archbishop Advincula ang panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa mananampalataya na makibahagi sa physical masses lalo na tuwing linggo.

Sinabi din ni Archbishop Advincula na kasabay ng paglalagay sa mas maluwag na health protocols sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic, malaya ng nakakalabas at bumalik na sa normal ang buhay ng mga Pilipino kayat ang pagbabalik ng obligasyon ng mananampalataya na makibahagi sa Eukaristiya tuwing linggo ay naging epektibo rin.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang paghihikayat sa publiko na dumadalo sa mga misa sa mga simbahan at lahat ng venues para sa liturgical celebrations na ipagpatuloy ang pagsunod sa health protocols para matiyak ang kanilang kaligatasan sa pagdalo ng religious events.