-- Advertisements --

ILOILO CITY – Idinaan sa Bombo Radyo ng Simbahang Katolika ang panawagan upang mabigyan ng hustisya ang pagpaslang sa star witness sa madugong pagsilibi ng search warrant sa Tapaz, Capiz kun saan siyam na sibilyan ang binaril-patay ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Napag-alaman na papauwi na sana si Punong Barangay Julie Catamin sa Roosevelt, Tapaz, Capiz ng binaril ng riding in tandem suspects habang binabaybay ang kahabaan ng Malitbog Centro, Calinog, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Msgr. Meliton Oso, director ng Jaro Archdiocesan Social Action Center, sinabi nito na labis niya na ikinadismaya ang pagpasalang kay Catamin.

Ayon kay Oso, si Catamin sana ang inaasahan na saksi sa insidente kung saan pinanindigan nito na planted ang lahat ng mga ebidensya ng CIDG laban sa mga residente nito na tumutulong umano sa mga rebelde.