-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang ginagawang pagkontra ng ilang obispo sa planong pagbuhay ng Bataan Nuclear Power Plant.

Sinabi ni Balanga Bishop Ruperto Santos, na nagkakaisa ang mga opisyal ng Bataan sa muling pagbuhay ng nasabing nuclear power plant.

Ipinaggigiitan nito na mas maraming mga negatibong epekto ang nasabing planta kaysa makukuhang benepisyo.

May mga ilang eksperto na rin silang nakakausap tungkol sa nasabing negatibong epekto ng planta.

Magugunitang bumuo ng interagency committee si Pangulong Rodrigo Duterte para sa posibilidad ng muling pagbuhay ng Bataan Nuclear Power Plant.