-- Advertisements --
ILOILO CITY – Binendisyunan ng Simbahang Katolika ang mga ospital, opisina ng gobyerno, police stations at mga quarantine facilities sa Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Brother Boy Zamora, coordinator ng Mediatrix Core Group ng Archdiocese of Jaro, sinabi nito na isinagawa ang caravan kasabay ng pista ng Mary Mediatrix of All Grace.
Bago ang caravan, nagsagawa muna ng misa sa simbahan sa bayan ng Sta. Barbara, Iloilo.
Ayon kay Zamora, dahil bawal ngayon ang pagsagawa ng mass gathering kagaya ng pista, napagkasunduan nila na magsagawa na lang ng pagbendisyon lalo na sa mga lugar na may mga mga COVID-19 positive patients.
Hinimok rin ni Zamora ang publiko na magdasal upang malampasan ang kinakaharap na pandemya.