-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nanawagan ang Simbahang Katolika na makinig sa live coverage ng The Vote 2019 coverage ng Bombo Radyo Philippines.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Most Rev. Jose Romeo O. Lazo, archbishop ng Archdiocese of Jaro, sinabi nito na kaakibat ng simbahan ang Bombo Radyo Philippines sa May 13 midterm elections.

Ayon kay Lazo, nararapat na makihalok ang publiko sa “clean, honest, accurrate, meaningful and peaceful” elections.

Nanawagan din si Lazo sa publiko na bomoto ng nararapat na kandidato.

Napag-alaman na ang The Vote 2019 coverage ay ang pinagsanib na puwersa ng Bombo Radyo at Star FM kung saan pangunahing layunin ay maihatid ang “FIRST, FAST and ACCURATE” na balita ngayong halalan.