-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY- Umapela ang simbahang katolika sa publiko na iwasan ang pagpalaganap ng ‘fake news’ may kaugnayan sa 2019 novel coronavirus.

Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Fr.Chito Suganob, vicar general ng Archdiocese of Marawi City na magdudulot lamang ng takot at panic ng taong bayan ang mga maling impormasyon na kanilang mababasa sa social media.

Aniya, malaking hamon sa simbahang katolika ang pagpalaganap ng wastong impormasyon dahil sa mga taong gumagawa ng “fake news” upang takutin ang publiko.

Hinikayat rin ni Fr. Suganob ang mga aktibo sa social media at tri-media na tumulong sa kanilang kampaniya laban sa fake news at ipalaganap ang toto-ong balita lalong-lalo na sa isyo ng coronavirus.

Sa mga panahon umano na tulad nito, dapat magtutulungan ang lahat upang maiwasan ang pag-panic ug pagkalito ng publiko.