Bumaba ang bilang ng index crimes na naitala sa Metro Manila sa tradisyunal na Simbang Gabi o dawn mass ngayong taon base sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ang datos mula sa NCRPO ay nagpakita na 100 index crimes ang naiulat mula Disyembre 16 hanggang 24.
Mas mababa ang bilang kumpara sa 154 crimes na na naitala noong nakaraang taon at 190 crimes noong 2020.
Ang mga index crime ay tumutukoy sa mga krimen laban sa tao at ari-arian tulad ng pagpatay, homicide, physical injury, , pagnanakaw ng sasakyan at panggagahasa.
Sinabi ng NCRPO na walang naitala na insidente ng illegal discharge of firearms, casualties of stray bullets at fire incidents dahil sa firecrackers o pyrotechnic devices ang naitala sa nine-day dawn masses.
Wala ring mga pag-aresto na ginawa batay sa pagkakaroon, paggamit at pagbebenta ng mga paputok.